Life is a Joke

An offer to refuse

Naexperience mo na ba ang maalok at ang hinde makatanggi khit na wala ka naman talagang planong bilhin ang item na yun? Nag uusap kame ng sister ko na inalok ng kapitbahay nameng humahabol sa December raket, at nag-alok ng pambatang hair accessories, dahil sa may pamangkin akong babae. Pagkabili nya at umalis na yung nag benta, I heard her saying, “sana diko na lang to binili”…………

Alam ko na maraming nakakarelate sa gantong feeling na panghihinayang after effect. Ang diko lang gets ay baket nga ba nahihiyang tumanggi tayong mga pinoy, gayong tayo naman ang nakakaalam kung ano ang nakakabuti sa aten. Like that similar instance, pwede naman nyang sabihin na hinde naman kelangan ng bagong accessories — khit pa mura lang yun, which is beside the point, ang gusto kong malaman is ang psychology beyond that behavior. only in the philippines nga lang ba to?

Sa totoo lang, tingen ko sa eksenang yun, wagi ang seller, dahil unang una ang naging approach nya upfront tipong “I am offering something you cannot refuse.” At dahil dyan naisipan nameng mag formulate ng bagong technique para labanan ang ganitong mindset.

Me: We should revert that idea na “Im offering something, you cannot refuse.” — Dapat I am offering something you will refuse…Yan!

Utol: Ha? So pano yun?

Me: Pag binibentahan ka bagay na hinde mo trip, mag counter sale ka tipong, “Bibilin ko lang yan, kapag bumili ka muna nitong binebenta ko….worth P500 (or anything 10x worth ng inaalok nya sayo)…at sigurado akong agad agaran syang mag rerefuse! Hahahaha! Sa pag refuse nya, walang transaction at nakalimutan nya na ang binebenta nya sayo! 🙂

Hala subukan ang gantong technique! Let me know if mag wowork sa inyo.