jejemon mania

napaghuhulihan na nga ako siguro dahil lately ko lang nalaman ang ibig sabihin ng term na “Jejemons” and when I first heard of it, I even thought its one of the characters of Pokemon. (di nga, seryoso!)

sabe nga nila na ito ay ang grupo ng mga tao, na mailalagay sa kategoryang “emo” gustong mag karoon ng sariling identity at nag formulate ng isang creative na paraan para sila ay marecognize. these are the people na iniiba, dinadagdagan or inaartehan ang spelling ng mga salita na kadalasan ay makikita sa text messages sa cellphone, dahil sa pagsasalita nila sa tunay na buhay eh hinde naman sila ganun kakaiba. sa totoo lang for this entire week, maka ilang beses kong narinig ang term na Jejemons, lalo na ng ibalitang merong all-out-war ang Deped sa mga jejemons. iniisip ko kung ang letratong ito na kumalat sa internet, stirs the pot.

nagtampo siguro ang mga jejemons sa hirit nito ni Gibo, ayan tuloy maraming jejemons ang hinde sya ibinoto.

the term “jejemons” is all over, sa mga social networking sites nagkalat ang lovers and haters of this group. isama mo na rin na pang break ng ice ang topic tungkol sa jejemon, at higit sa lahat, ang mga tulad ko na last minute nakarealize sa teminolohiyang yun ay nainformed dahil sa paulet ulet na usapin about jejemons. my take on this is there is no problem in being different, manamit, sa pinaniniwalaan, sa grupo where you feel you belong. i dont think na merong ginagawang masama ang mga jejemons. pero if wala namang nagagawang mabuti then it doesnt make any sense as well. i cannot comprehend why they need to change the wordings, hinde ko masasabeng kabilang sila sa Juan Tamad group, dahil sa katunayan, dinadagdagan nila ang letra imbes na bawasan. Ang salitang “Babe” ay magiging “bhabe” or “bhebi” (why do u have to use that word as a sample?) so technically hinde sila tamad.

aaminin kong sumasaket ang ulo ko makatanggap ng text messages na “kakaiba” ang paraan ng pag sulat. ang dalawang minutong pagbasa ay nagiging 5 or 7 minute para tuluyang maintindihan, minsan nga inuulet pa ng isang pasada. ito siguro ung gap between jejemons and the majority. kung gagawa ang jejemons ng isang bagong lengguahe at gusto nilang tanggapin ng lahat, it will take time for all of us to embrace the change, bukod sa bago itong istilo, hinde ito ang kinasanayan at tamang paraan ng komunikasyon. kaya abangan na lang naten ang mangyayari sa kalokohang ito, este sa serye ng mga jejemons at ng taga DEPED.

and for that, please do exercise your mind by deciphering this post. good luck!

Advertisements

2 comments

  1. soo…. heto na ba ang bago mong blog…

    hirap mo naman hagilapin…..

    kung san san ka na lang pa kalat kalat….

    =P

    Like

  2. thank you sessha sa pagbisita dito. tama ka, parang hard drive lang kelangang mag back up, hehe. iba ang mahirap hagilapin sa ayaw magpakita, hahah!

    Like

Leave your awesome comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s