alma mater

sa tuwing maaalala ko ang high school days ko parang bang may kumikiliti sa king pwet, mixed emotion ika nga, pinaghalong natatawa ako at the same time gusto kong makalimot. naaalala ko kung paanong trip na trip nila ang papilahin ang mga estudyante sa quadrangle habang nasa ilalim ng mainit na arawan. ang mga pobreng late ay sinasaraduhan ng gate at kailangan isama ang mgaulang para magpaliwanag sa principal; ang mga estudyante ay sumasali sa ibat ibat sports, school programs or intramurals para makaiwas sa klase. ang mga professor ay nananakot by saying “akala nyo kaya nyo ko ah” or mga teacher na nenenegosyo ang mga projects sa home economics khit wala naman talagang pakinabang un samen; ang mga school songs na may high falluting words na kung tatanungin mo kame kung ano ang ibig sabihin, hinde namen mapapaliwanag; pinagawa rin kame ng mga artikulo para sa campus gazette, kapag nagkakaron ako ng pagkakataong basahin ito, tila gusto kong lukutin, pero hinde ko tinatapon to dahil kinokonsidera ko itong antique. nung highschool din natutuong maglandi, mga buyo ng barkadang mag inuman, tuksuhan or love letters galing sa mga krashes, at meron ding mangilan ngilan na galing ke pareng anonymous. nabasa ko rin kamakailan lang ang yearbook na naglalaman ng “class prophesy” — malayong malayo sa katotohan, dahil 75% ng buong batch ay pamilyado at walang trabaho. kaya ang tawag ko ngayon dito ay CLASS FALLACY.

Advertisements

Leave your awesome comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s