brain freeze

ampotah! sisimulan ko pa lang sumulat nito, natigilan ako sa title. hinde ko alam kung epekto to ng isang linggo kong bakasyon grande, pero technically hinde ko masasabeng bakasyon talaga un, bagamat may mga ibang tasks akong natapos pero meron pa ring naka tengga, di bale gagawin ko un sa ibang araw. grr eto na naman ako sa akeng procrastination mode, ang “mamya na system.” kasalanan to ng utol ko, dahil sa tamad sya pati ako rin tinatamad na.

pero baket nga ba brain freeze ang naiisip ko, pano kase eto at kakabalik ko lang sa trabaho pero daig ko pa ang laseng dahil napaka cluttered ng utak ko today. mga pinag sasabe ng kausap ko hinde ko ma-gets, hinde pa nag sysync in saken ang idea na dapat na akong mag balik trabaho dahil nakapag bakasyon na rin ako ng isang linggo! darn isang linggo na nga un parang bitin pa rin. kung tutuusin swerte na rin ang one week, pang unleash ng stress, pero ang katamaran ko nadagdagan na naman ng isang skill point.

speaking of which naalala ko mga games na kakainstall lang sa laptop ko, Left 4 Dead 2 and Dawn of Magic 2. siguro mapapansin mong ang hilig ko sa 2. well nagkataon lang siguro, natapos ko na ung Left 4 Dead 2, easy mode, pano kase ung normal mode eh parang clincher round sa isang quiz show, ganun kahirap and kaimpossible mag survive. pero bat pa ba ako mag rereklamo eh natapos ko na rin somehow.

pero nakakatamad pa ring mag trabaho, harharhar…di nga, nakakatamad promise! if there’s any consolation, well im back to being online again and just now updating this lonely blog of mine. ang kulet ng kanta ni Rhett Miller, Come Around ung lyrics na, am i gonna be lonely for the rest of my life….unless u come around.

kaseng kulet ung series na How I met your mother, now im in Season 3, from casting to concept to bagong pautot, kwela to, it may not be as funny as The Office, but i like them both. ibang level kase ang humor eh, nakakatawa si Barney (does Doogie Howser MD, ring a bell?) eh, whatup!?! watch it so ull know what im talking about.

Advertisements

Leave your awesome comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s