Dokyu Pyesta

“Batang Kalabaw” by Jay Taruc. Sabe nila na ang pinakahuling bahagi ang mas sariwa sa isip mo, thats the opposite of what happened. ito ang una sa mga prinisentang dokyumentaryo at ito na rin siguro ang pinakatumimo saken. ito ay tungkol sa mga batang may edad na 6 to 12 taong gulang kung saan pilit na pinatatanda ang musmos na kaisipan at pilit na binabanat ang murang katawan, makapag buhat lamang ng mga 2 por 3 na kahoy, na may habang 10-12 talampakan, binibitbit sa kanilang balikat, sa loob ng 2-3 oras pababa ng kabundukan. kung iisipin mo na kung katawan ng matanda siguro un, malamang sumuko na makalipas ang kalahating oras, pero ang 8 bubot na yun, iba ang driving motivation. ginagawa nila un, para makakuha ng P6/kahoy. oo, katumbas lang ng sopdrinks na binibili mo sa tindahan. binabagtas nila ang maputik (dahil maghapong nag uulan) na daan na hinde inaalintana bagkus pinoprotektahan ang mga bitbit na kahoy. naawa ako sa 6-years old na bagets na matapos magpagod, hinde nabayaran dahil ang kahoy na binaba nya ay tinuring na “reject” khit pa nagpakapagod ang bata. ito ay sumasalamin sa maagang pagbabanat ng buto ng mga bata. tapos maiisip ko baket sila ang sisipag, ang dami kong kakilala na matatanda na kung tutuusin, handa na ang mga katawan sa pagpapakapagod at pagpapahirap, pero mas pinili pang maging tambay, umasa sa magulang, mga taong nilamon ng bisyo. ako hinde ko kaya ung mga ginagawa ng batang un, sa pagkakaalala ko, naglalaro ako sa edad na 6 na taon, pero who knows na sa isip din nila, naglalaro lang din sila. gusto kong tanungin kung baket hinahayaan ng magulang ang mga musmos para magtrabaho…..

“Biyaheng Sikmura” by Kara David. Ahhh, dito ako naaliw dahil sumasalamin ito sa pagiging madiskarteng “pinoy.” Ito ay tungkol sa mga feeding programs, kesehodang programa ng gubyerno, mga religious groups, eskwelahan or mga charitable institutions. Ang mga feeding programs ay isang uri ng proyekto na panandaliang pinantutugon sa problema ng malawakang pagkagutom ng mga pilipino. ang galing ng diskarteng ginamit nila para maiprisinta sa nakakatawang paraan ang dokyu na to. kumuha sila ng mga taong tumatangkilik sa mga feeding programs, ang nakakatawa nun, kakakaen palang ni “Tagpi” tumatakbo na para sa susunod na pila ng feeding program, hehhe hinde kaya gluttony na un?! tama kame ng paniniwala ni kara, na mas magandang turuan mo silang mangisda kesa bigyan mo ng panandaliang isda, sa bagay na to, ang mga feeding programs ay nakakatulong sa mga sikmura, pero sa pangmalawakang kahirapan ng bansa, wala etong apekto.

“Boses Upos” by Howie Severino. sitsiritsit, alibangbang….yan ang naaalala ko sa boses robotic ng lalakeng gumagamit ng special na device para lamang makapagsalita. dahil sa labis na paninigarilyo, naoperahan sya at tuluyan ng hinde nakapagsalita. nawala na ang cancer, nawala na rin ang larynx nya. ngayon isa na syang tagapagsalita sa mga pagtitipon, para maibahagi ang naging epekto sa kanya ng sigarilyo. talaga nga bang ang pinas ay isa sa mga pinakamausok na bansa dahil sa lakas ng konsumo ng paninigarilyo? mahina ba ang naging kampanya ng gubyerno sa pagpapaalala na ang sigarilyo ay walang dulot na mabuti sa katawan ng tao. natawa ako sa isang segment na sinabe ni howie, “sigarilyo kayo dyan, eto nakakabaog daw oh.” dati akong tumikim ng yosi, dahil sa buyo ng barkada, tinuring ko yun bilang “learning phase” dahil natutunan kong piliin ang wag manigarilyo. kung meron ka namang choice, baket mo pipiliin ang mag yosi?

hinde ko na iisa-isahin dito ang mga iba pang dokyumentaryo, para mabigyan kayo ng pagkakataong silipin ang cinema 5 sa gateway, at personal nyong masaksihan ang kalinangan sa pamamahayag ng mga nangyayari sa paligid naten. habang nanonood ako nito, iniisip ko na maswerte ako dahil hinde ko pinagdadaanan ung mga nafeature duon, narealize ko na mas dapat bigyan ko ng lalim ang pinag gagawa ko sa mundo, kumpara sa mga nakita ko dun parang wala pa sa kalingkingan eh, nakakahiya tuloy. masrap maexpose sa mga ganitong palabas kaya i commend GMA-7 for allowing people to see these things. panoorin nyo and that should hit you too.

Advertisements

Leave your awesome comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s