election + politicians = ridicule

mayo katorse, 2007 mababahiran na naman ng tinta ang dulo ng aking daliri, ito ay senyales na malaya akong pipili ng mga taong gusto kong manungkulan sa ating bayan. (nakakapanibago pag tuloy tuloy na pagtatagalog, hehe) panahon na kung saan ang lahat ng tao ay may kanya kanyang “bet” kung sino ang magic 12 sa senado at panahon na kung saan lahat ng tao ay may sariling pagtatally kung sino ang lumalamang sa bilangan ng boto. bawat guro at election officers ay nakabantay, (pero nananakawan ng balota) bawat supporters ay nagmamatsag sa pagbibilang ng boto ng kanilang iniendorsong politiko, (walang gulo please) at bawat pulis/sundalo ay nagbabantay sa mga bayan na maaring mapagsimulan ng gulo. (sana walang takutan) ito rin ang panahon kung saan walang natatalo sa bansang Pilipinas, dahil lahat daw ng kandidato ay “dinadaya” (gustong maging IN)

history repeats itself. (wow english ulet, hehe)  few years back, we had similar manifestations, and at this point im no longer excited about the much awaited result of who will be the next senators. i am even more worried that younger generation, like 20 years old below wont care anymore about the future officials. informing the youth today will be the best way in relaying the message to them, na dapat hindi na tayo mag stick sa sistemang tayo mismong mga pilipino ang nagpapabulok nito. its good that gma channel 7 came up with the show, Isang tanong isang sagot exposing the candidates, putting them on the spot, exposing them to the national issues and knowing their dispositions. some are prudent, some are naive, while some…are just plain morons. well at least we can differentiate yellow from red, right?! sana next time, mag IQ test naman ang mga kandidato para masukat talaga naten ang classification nila, whether they are genius, above average, average, imbecile, idiot or moron. (hahahah!)

just recently, napanood ko ung Maalaala mo kaya episode kung saan gina pareno as the mother, ay may 3 anak na nagkasaket at unti unting nabaliw, nakitaan na agad sila ng senyales kapag may nangyayaring depresyon sa buhay nila. (lotlot, jong and anak ni mark gil, diko maalala ung name played the role of the children na nagkasaket ng nervous breakdown) mahirap lang sila dun, kaya walang maipagamot ung nanay sa tatlo nyang anak, ang masama pa nito panghabang buhay ang gamot kung saan kapag nahinto ang pagpapainom, maaring bumalik ang uncontrollable actions ng mga may saket. when i saw this episode, it mirrors ang isa sa mga problema ng bansa naten ang kahirapan at kakulangan ng mga hospital na libreng titingin sa mga mahihirap na pinoy, ang mga gamot na dapat ay locally pinoproduce naten imbes na iniimport pa sa ibang bansa. pucha! ano ba naman ung P40 million na ginagastos ng bawat senador sa pangangampanya, pag pinagsama sama nyo un, (sa 30 senadors na tatakbo na tig P40 million, papatak na  may 1.2 billion tayong maiipon) pihadong maraming pilipino silang matutulungan…hindi ba un ang tunay na paglilingkod sa tao? tigilan na sana ng mga politiko ang pagpapapogi at pagpapacute nila sa sambayanang pilipino dahil bistado na naten ang baho na likas na umaalingasaw sa kanila. ang kelangan naten ngayon ay tamang pagbabago, pagbabago kung saan matutugunan ang mga pangangailangan ng nakakarami at iwawaksi ang pagkagahaman sa yaman ng bayan.

at sa tanong na kung baket naten kelangan silang iboto?

BAUTISTA: Hindi naman po sa nagpapaawa no pero ang bibigat po ng kalaban, ang daming pera, magaling magtalumpati, ang gagaling sa pangako pero napaka, ansama po ng ating bayan sa ngayon ano? Ako po’y humihingi ng panalangin sa inyo dahil sa awa po ng Panginoon ay matutuklasan po nating lahat na ang tunay na kapangyarihan upang mabago po natin ang bayan po natin ay nasa sa ating lahat…Mangyayari po yon, makikita nyo.

ZUBIRI: Ako po ay isang alternatibong kandidato hindi po ako kapatid ng senador, hindi po ako anak ng senador, di ko po kapangalan ang isang senador. Ang akin po ay siyam na taon pong nagsilbi po congressman sa lalawigan ng Bukidnon. Ako po ay naging pinakamasipag na mambabatas, perfect attendance po sa Kongreso, yung record ko po, it speaks for itself. At itutuloy ko po yung mga batas ng Renewable Energy bill, Bbarangay Workers Benefits Act, dagdag tax exemption sa mga senior citizens at ating mga manggagawa, mga daily wage earners. Sana po gawin nyo po akong boses ng mga taga-Visayas at Mindanao kulang po boses ng ….

ESCUDERO: Sana po nasabi, nagawa at naipakita ko na ang dahilan kung bakit sana ako dapat suportahan, paniwalaan, at pagtiwalaan sa Senado. Maliban diyan, sa edad na trenta y siete anyos nais kong maipakita sana at mapatunayan na ang kabataan sa ngayon hindi lamang dapat tawagin at ituring na pag-asa ng bayan. Dapat sana tawagin, ituring tayong maaasahan ng bayan. Hindi pagtanda natin kung hindi tayo ngayon at dito mismo at pagkakataong yan ang aking hinihiling.

COSETENG: Sa dalawang termino po natin sa Senado, nanindigan po tayo laban sa katiwalian at ang atin pong ipinaglaban, yung marangal at maayos na pamamalakad sa pamahalaan. Gayundin ang interes po ng ahm mga taong-bayan yun ang gusto nating ipagtanggol at hindi yung interes ng mga bangko o hindi yung mga interes ng mga taong nagpapahirap sa ating bayan. Gayundin ang sistema ng ating edukasyon, dapat maiangat, kalusugan, programa sa pabahay na lagi na lang nagiging pangarap at lagi na lamang inaasam ngunit hindi naman naisasakatuparan.

ANGARA: Sulit po ang sambayanan kay Ed Angara sapagkat hindi na po ako dapat mangako. Ginawa ko na po ang reporma sa edukasyon, kalusugan, agrikultura, sining at kultura, senior citizens at the good governance. Yan po ay matter of record Kaya kailangan po, hindi ko na po kailangang ulitin yon. Salamat po.

NOYNOY: Tinuro po sa atin ng ating mga magulang yung paglalaban para sa tama kontra sa mali. Tayo po ay handang magsakripisyo, ipinakita na po natin mula nong kudeta noong ’87 hanggang pagwala ng posisyon natin deputy speaker saka yung maninindigan tayo siguraduhin na sanggahan natin ang Senado magiging independyente, ipaglalaban ang karapatan ng tao. Salamat po.

CAYETANO: Si Alan Cayetano po ay may takot sa Diyos at may pagmamahal sa bayan. Maraming desisyon po ang kakaharapin ng mga senador maaaring yung iba sa personal interes o interes ng Malacañang ang paninindigan. Asahan nyo po ang paninindigan ni Alan Cayetano ay para sa interes ng mamamayang Pilipino at hindi natin tatantanan ang mga corrupt sa gobyernong ito.

SISON: Si Adrian Sison po ay ang taong ah madaling kausapin para lumaban po para sa inyong nais na baguhin. Halimbawa yung pagtanggal ng dynasty sa pulitika, yung pagtanggal ng pork barrel, yung transparent governance na pinopromote ng Ang Kapatiran. Yung pagkakaroon ng economic well-being at alleviation of poverty. Malalaman po ninyo kung paano bumoto ang lahat ng kandidato….

ROCO: Ako po, Mrs. Roco, ay dapat iboto po dahil sa matindi na pong pangangailangan ng ating bansang Pilipinas ng mga lider na tapat at totoo ay kung mamarapatin nyo pong isugo si senador, si Sonia Roco po sa Senado ay gagamitin ko po ang aking karanasan at kaalaman sa edukasyon upang ipagpatuloy ang misyon ni Senador Raul Roco sa edukasyon. Edukasyon lamang po…

LEGARDA: Ako po’y si Loren Legarda at dapat iboto dahil unang-una po, may paninindigan, pangalawa po ay may kakayanan at nakita po sa aking mga nagawang batas sa senado bilang isang majority leader na babae nung 1998-2004, pangatlo po ako po’y mapagkakatiwalaan and I can say I’ve never accepted a bribe in my life. Ako po ay maglilingkod ng tapat, mapagmahal at mapagkalinga at maglilingkod po sa taong bayan. Nanindigan po ng 3 taon sa pamamagitan po ng aking vice presidential electoral…

DEFENSOR: Una po sa lahat ako po’y pumasok sa halalang ito na hindi nangangako at hindi po nagpi-prisinta ng plataporma. Ako po ay pumasok sa halalang ito na meron hong track record o may mga nagawa na nung ako po ay nasa konseho. Nasa Kongreso, mga lehislasyon at higit sa lahat po nung ako ay nasa gabinete. Sa halalan pong ito, ako lang po ata ang tumatakbo na meron pong pinanggalingan sa gabinete at maging sa Kongreso. Sa akin pong paglilingkod sa gabinete ang programa pong pambahay ay aking pinaunlad higit kumulang isa’t kalahating milyong pilipino ang aming natulungan at…

COMEZ: Magandang gabi, I’ve been doing my advocacies long before ko naisip tumakbo for public office, but you know, I can only do so much as a private citizen. And I want the people let me to the senate because I want to make use of my full potential in fulfilling my vision for the Filipino people. Im offering myself, my fresh idea, my youthful energy and my idealism. Syempre kasama na dyan ang aking fresh perspective so please elect me in the senate.

LACSON: Ako lamang po ang nag-iisang mambabatas sa abot ng aking nalalaman na hindi tumatanggap ng pork barrel. Ang senador po ay tumatanggap ng mahigit isang milyon na MOE. ito po ay hindi ko inuumit, hindi ko ninanakaw at ginagamit sa wastong paraan. Hindi pa po ako nakatikim ng lobby money simula nung ako’y naupong senador. Ito kasi po ang turo ng aking magulang pag babawiin ang prinsipyo sa harap ng maraming pribilehiyo. Maraming salamat po.

PAREDES: Nanindigan ho ako nung ako’y undersecretary ng presidential commission on the visiting forces agreement. Dahil ho sa aking prinsipyo minabuti ko nang mag-resign at talikdan ang mataan na puwesto sa gobyerno dahilan sa aking prinsipyo. Ganito rin ho ang gagawin ko sa senado, maninindigan ako para sa kabutihan ng bayan at ng taong-bayan. Maninindigan ako para sa ating Saligang Batas at sa katarungan. Maraming salamat po.

WOOD: Magandang gabi ho si Victor Wood po. Ang akin ay maging two-party system na lang at napakalaking gastos itong pagkakandidato at hindi rin nakakatulong sa bayan natin, at pagkatapos ng election yun pa rin ang hirap, pangako ng kandidato mula nung araw hanggang ngayon wala pang pagbabago. Kailangan baguhin natin ang election code natin maging 6 yrs ang terms para hindi masyadong malaki ang gastos ng ating bayan yun lang po.

MONTANO: Dala ko po ang hinaing ninyo sa puso ko nung ako po’y artista lang. Dala ko pa rin hanggang senado po ang pangangailangan nyo at hinaing ninyo. Yun po ang ipaglalaban ko at isusulong ko ng buong puso pa rin pagdating po sa senado. Ito po si Cesar Montano marami pong salamat.

LOZANO: Magandang gabi po mga kababayan. Araw-araw napapansin natin ang mga dukha sa lansangan nakikipag-agawan para sa labing pagkain sa basurahan. Naririnig natin ang mga magsasaka wala kaming lupa kundi putik sa aming mga paa. Pag manalo po tayo madagdagan ang lakas natin upang tulungan si Mrs. Marcos na ipatupad nya ang kanyang adhikain, wala ng pilipinong mahirap sang-ayon sa pangako ni president Arroyo na wakasan ang kahirapan sa loob ng…

PICHAY: Ako po si Prospero Pichay subok na pulitiko, matagal ng naging congressman, 3 terms ng naging congressman at maganda po ang performance na ipinapakita natin sa Congress. At ako po ay tumatakbo dahil kailangan po ng tinig ng Mindanao, matagal ng daing ng mga taga-Mindanao dahil sa kahirapan at medyo dahil sa walang tinig ang Mindanao ay napapabayaan po ang share natin sa national budget. Kailangan po natin dagdagan ang share sa national budget ng sa ganun ay matupad natin ang…

PANGILINAN: Tayo po ang pinakabatang naging majority leader ng Philippine Senate mula pa nung 1937, tumakbo ho tayo ng independent base sa prinsipyo at paninindigan, mahirap ho sa mga namumuno ang walang isang salita. Tayo po nanindigan, hindi sumama sa administrasyon, hindi sumama sa oposisyon, hindi ho lumipat, hindi ho papalit-palit. Dapat ang mga namumuno may paninindigan, may isang salita.

CHAVEZ: Dapat hong iboto ako ng ating mga kababayan dahil sa pagsali ko dito sa labanang ito, hindi ho pulitiko para magnenegosyo, nagpupulitiko ho ako para magserbisyo publiko at ang katapusan ho, hindi ho ako magnanakaw sa gobyerno. Bayan maraming salamat.

TESSIE: Dahil sa hirap at problema ng ating bansa dapat nating baguhin ang ating pananaw. Ang ating kalooban at ating kaisipan lalung-lalo na ang mga lider at mga pulitiko ng ating bansa. Dapat itigil natin ang pulitika ng galit at pulitika ng pagbabangayan at palitan natin ito sa pulitika ng pag-asa at pulitika ng kinabukasan, pagkakaisa. Alam kong mahirap gawin ito, ako mismo ay dumanas at dumaan sa ganitong klaseng…

PIMENTEL: Magandang gabi po ako po si Koko Pimentel, isang abogado na may background sa Science ah gusto ko po sanang gamitin yung aking napag-aralan sa eskuwelahan, ang aking karanasan to solve our problems. I am a problem solver at heart at ah sana po ako’y bago sa pulitika I have ah meron akong mga bagong idea subukan po natin ang mga bagong solusyon sa ating lumang problema. Maraming salamat po

ORPILLA: Ako po si Ed Orpilla, 38 yrs na nanungkulan sa military saka Philippine National Police. Palagi kong nakikita maraming biktima ng droga magmula noon unang panahon pa. Nung 1972, 20 thousand ang reported na young addicts, kabataan. Nung 1997, 1.7 million ang kabataan na apektado ng droga. Napapansin ko hindi binibigyan ng halaga ang paglaban sa salot ng lipunan.

DAPS: wow, parang totoo hehehe.

Advertisements

Leave your awesome comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s