resume

bored na naman ako habang nakatingen sa pc. sa makailang beses na paghahang, naisip kong wag munang mag games. naiisipan kong silipin ang resume or curriculum vitae ko. bukod sa karaniwang datos na mababasa dito tulad ng pangalan address at telepono, namamangha ako sa skills na natutunan ko…biruin mo yun, parang ang gandang basahin ng paulit ulit. makikita ko rin ang tinapos kong kurso at ang mga napagtrabahuan kong kumpanya. tapos sasagi sa isip ko, kung ang lahat ba ng ito ay tunay na mahalaga….hmm pero para saan nga ba?!?

oo kelangan ng resume para sa pag aapply ng trabaho. pero minsan maiisip ko na ang mga detalyeng nakalagay dito ay minsan kong pinag daaanan, natutunan, pero ang mahahalagang bagay na dapat pag tuunan ng pansin ay wala dito. nakasaad dito ang mga detalye na related lamang sa pagtatrabaho. makikitaan ito ng pormalidad dahil hindi mo naman isasaad duon na ayaw mo sa boss na demanding at gusto mong magkaroon ng monthly increase. wish ko lang maari iyon. ang format na gagamitin mo ay maayos, pantay lahat ng margin dahil maiisipan mong sumasalamin ito sa pagiging organize mo. naks, parang totoo.

pero kung gagawa ka ng resume ng buhay mo, ano ano kaya ang maari mong ilagay? sa palagay mo ilang pahina kaya ang mabubuo mo? ano ang magiging format mo? ilalagay mo rin ba kung anong size ng paa mo? eh ung dati mong nickname na “kirara” isisingit mo pa ba? isusulat mo rin ba na limang beses ka ng niloko ng mga ex’s mo? ilalagay mo rin ba na ang hobby mo hanggang ngayon ay P.E.D.R.O.S.? o na ang favorite movie mo ay Titanic ni “Jack jack”..? ilalagay mo rin ba na ilang beses ka ng nangungupit sa nanay mo pag dating sa gastusin sa skwela? na ang beer ginagawa mong tubig? na nainlove ka sa professor mo nung highschool? na kaya ka umalis sa dati mong trabaho dahil sa kupal ang boss mo at chismoso ang mga katrabaho mo? na inuulam mo ang asukal sa kanin? isisingit mo rin ba na naiirita ka kapag namimispronounce ang name mo? na ayaw mo sa taong saksakan ng arte? na hanggang ngayon ay inlove ka pa rin sa girlfriend ng bestfriend mo? uyyy aminin.

kung ano man ang naisin mo, malaya kang isulat ito sa resume ng buhay mo. hindi mahalaga kung may format kang dapat sundin, dahil hinde ka nag aapply ng trabaho. pero magiging mahalaga ang paraan ng pamimili sa kung ano ang isusulat mo rito. dahil ang mga bagay na gusto mong wag nang ilagay pa, ay baka ang mga bagay na mapait, masaket or sadyang hindi mahalaga.

pakingshet, ala akong scanned picture, waahhhhhh!!!

Advertisements

Leave your awesome comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s