its happening again

monday. walang tulog, este walang planong matulog dahil may pupuntahan. manonood ng movie, at may usapang magkita-kita ng alas 3 ng hapon. magbyabyahe sa pagkainit init na panhon, napapakunot ang noo, pero walang magawa. sa haba ng byahe nakaidlip, hanggang makababa sa mall at nasabik sa aircon. yeah, ganyan na nga kainit ang panahon.

nasa labas ng movie house. tinitingnan ang movie slot. ang daming napapansin. may mag partner na pinagtawanan ko, sa isip ko lang naman. eh pano kase halatang bagong mag dyowa eh. nagpapacute pa sa isat isa. nahihiya sila, bawat kilos nila sadyang maingat. tapos itutuon ko ang paningen ko sa may popcorn para madistract ako. after 30 minutes, dumating na sila. bumili ng tiket, pasok na sa loob. tamang tama pasimula na ng movie. silent hill, matagal na nameng pinakaaabangang panoorin, para kaseng maganda.

medium_silenthillteaserposter.jpg

maganda naman ung movie, tipong u dont know what will happen at un ang inenjoy ko sa lahat. may mga nakakatuwan eksena at kung paanong may makailang beses nilang nabbangga ang basurahan hehe. kung hanap nyo ay kakaibang trip, maganda tong panoorin.

past 6pm. gutom na ang lahat, nag decide kumaen sa dencios. umorder ng sisig, gambas and chicken. nag enjoy sa tawanan. nagkaron din ng silent moment when something came up. clash of mood lang pero di naman naging violent. ako? tahimik lang, nakikiramdam. nag-iisip, nagpilit ngumite. ung ngiteng hindi plastik.

sinubukan nameng mag ikot ikot. kaso dumiretso na ng office para lang sa aircon. nagkwentuhan sa lobby. sari-sari natuklasan, ang kwento ko? hindi ko pa rin kinumpleto. tulad nga ng poster ng silent hill, tikom ang bibig ko, siguro pagod akong mag explain.

Advertisements

Leave your awesome comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s