busy mode

scenario: tumatakbo ng mabilis ang jeep, habang nag eenjoy ka sa hangin sa labas na ginugulong sadya ang buhok mo, panaka nakang nakikinig sa sounds, tapos ikaw ay bubuntong hininga.

eto ung mga pagkakataon na wari bang kung ano anong bagay ang naiisip ko. sari sari, walang iisang direksyon, bagamat ayokong isipin na magulo ang utak ko ngayon. maaring occupied..oo, siguro nga. tapos bigla kong itatanong sa sarili ko kung ano kaya ang trabahong pipiliin ko sa tatlo: 1) taga pinta ng bahay na ang gagamitin lamang ay ang pang pinta ng cutics 2) shooters, or kung pamilyar kayo sa mga nag aalaga ng aso na gustong ipalahi ng knilang amo at ang trabaho mo ay ikaw mismo ang magiging mediator habang sila ay naglolove making. 3) taga tanggal ng tinga sa bawat taong kakaen sa isang restaurant.

teka, kumaen naman ako pero para na naman akong napaglilipasan nito eh. bigla kong bubuksan ang aking bag, kukunin ang cellphone. walang bagong text. bigla kong maiisip kung baket ba ito ang pinili kong model ng phone gayung madami namang mas advanced. speaking of cellphone, naalala ko tuloy ung mga taong halos mangolekta ng cellphone na tipong kada buwan, iba iba ang model ng phone nila. nangangahulugan din na sadyang mahal ang ginasta nila sa phone na un. ayy teka, bayaran na naman…dapat mapaalalahanan ko na magbabayad ako sa katapusan bukod pa ung gastos sa groceries.

anak ng pating! kung baket ba naman crazy for you ang tugtog?! marami kaseng akong maaalala kapag ito ang naririnig ko. pero bago ko pa lang maalala pipigilan ko ng isipin pa. in fairness ang ganda ng pagkakarevive ng bandang un kaya ang sarap pakinggan.

miss, miss cubao na po tayo, san po ba kayo? yan ang boses ng kundoktor na nagtataka kung baket dika pa bumababa. maaring nagtataka din kung nakabayad ka na ba talaga. or maaring natatawa sayo dahil parang wala ka sa sarili.

uhmm sorry manong, dito na lang ho ako. tapos bababa ka ng mabilis, iisipin mong di bale di ka naman maaalala ng manong na yun sa dami ng pasaherong nasakay nila. tapos tatambay ka sa sakayan pabalik dahil talagang lumagpas ka sa dapat mong babaan.

maghahanap ka ulit ng jeep na may sounds.

Advertisements

Leave your awesome comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s