baliktanaw

bugnot na si macoy sa kakaisip dahil matagal tagal na rin silang di nakakapag usap. halos magkakalyo na ang kamay nya sa kakadial ng number……

ring…ring…ring

macoy: “baket ba ayaw mong sagutin” bulong nya sa kanyang sarili, samantalang halatang natataranta dahil walang makausap sa kabilang linya. “putragis makapag yosi nga muna.” pero bago nya tuluyang hititin ang sigarilyong sinindihan, naisip nyang “teka binawal nya nga pala ito” kasabay na rin sa likot ng paang aktong pagpatay sa nasindihang sigarilyo. “tang-ina, kahit kelan talaga di ko ma spelling kayong mga babae. konting tampo, ayaw ng makipag usap, maliit na bagay pinapalaki, ano ba naging kasalanan ko sayo, jet? baket mo ko pinagmumukhang gago??” pinagpapawisan sya ng gamunggo habang winiwika sa isipan ang mga tanong na hirap syang sambitin. ugali na talaga niyang magmuni muni, magmula pa nuon, magmula nang naging sila ni jet.

di mapakali ang malilikot nyang mga daliri habang hinahagod ang kanyang cellphone wari mo’y batang may hawak ng lampara para mag-wish. at sana nga ganun lang kadali para sa kanya yun. sinubukan nya ulit tumawag.

ring…ring…ring

sa pagkakataong ito, halos ibato na ni macoy ang kanyang telepono nang marinig ang senyales na malapit na itong maglow-batt. “urgh, letse naman pano kung tumawag sya, matapos nyang makita ang 20 missed calls ko sa kanya, tapos low batt ako? pambihira naman.” nagkukumahog syang hanapin ang charger ng telepono. hindi sya nakuntento, nagpadala ng text message:

NASAN KNBA? BAT DMO SINASAGOT TAWAG KO? PLS TEXT BACK OR PA MISSED CALL KA, TAWGAN KITA, OK? Ü

nakuha pa nyang maglagay ng smiley sa text kahit naiinis na sya sa hindi pagsagot ni jet. mas lalo ang pagkainis nya sa kanyang sarili dahil di maintindihan kung baket sya nagkakaganun. walang tigil ang kanyang paglakad. sinubukan nyang linisin ang kanyang cabinet habang maya maya ang tingen nya sa kanyang telepono, pero wala pa ring anumang bagay na galing kay jet.

alas 6 na ng gabi at halos kumalam na ang kanyang sikmura dahil nalimutan nyang magtanghalian. ang kanyang agahan ay kape at mainit na pandesal na binili pa nya sa panaderya sa kabilang kanto. naalala nya tuloy na hinahatiran nya ng pandesal at keso si jet sa tuwing papasok ito nung kolehiyo. naalala na naman nya, napapangite habang binabalikan nya ang nakaraan nang may biglang nag text. tinakbo nyang inabot ang telepono, na halos mahulog sa pagkakapatong sa kanyang mesa, napabuntong hininga sya dahil alam nyang hindi ito ang panahon para masira ang telepono nya. dahil baka si jet ang nag text.

1 MESSAGE RECEIVED > INBOX > ALING TONYA

Pakisabi sa nanay mo na oorder kame ng 5 liyanerang letche flan para sa darating na pasko, sa katapusan na kako ako magbabayad. salamat. – Tonya

“ahh si aling tonya pala” ang kanyang bulalas na halos manlumo sya dahil hindi ito ang mensaheng kanyang inaasahan. nag uumpisa na naman syang mairita at mainis dahil tila nakalimutan na sya ni jet. pero hindi sya pwedeng magalit nang husto dahil ayaw nyang mag away na naman sila.

naririnig nyang tumutunog ang kanyang sikmura, senyales ito ng matinding gutom, pero wala syang gana. si jet pa rin ang naiisip nya. hindi nya na rin magawang maamoy na ang niluluto ng kanyang nanay ang paborito nyang pritong bangus. nakalimutan nyang ang ulam na yaon ay pinag aagawan at pinagpapatayan nilang mag kuya. pero lahat yun ay sadyang nawala sa kanyang isipan dahil sa matinding kalungkutan kung baket ngayon wala pa ring balita galing kay jet.

alas-9 na ng gabi ng naisipan ni macoy na magpahinga na lang khit walang laman ang sikmura. sa makailang beses na pagkakataon alam nyang nararanasan nya ang matinding pagkahapo. hindi nya na rin maintindihan kung sadyang humupa na ang galit na naramdaman nya sa di pagpansin ni jet sa kanya. ipinikit nya ang kanyang mata at handa ng matulog. hindi pa malalim ang kanyang pagpapahinga, may isang text syang natanggap. sa sobrang antok at mamasa-masang parte ng kanyang mata na pilit na nagpapahirap sa kanyang pagmulat, pinilit nyang makita ang kanyang telepono sa pamamagitan ng pagkapa dito.

1 MESSAGE RECEIVED > INBOX > JET

halos magkandahulog sya sa kama, samantalang pangalan pa lang ni jet ang kanyang nakikita. nagkaroon sya ng konting pag asa, konting pagkainis dahil ngayon lamang nagparamdam, pero mababanaagan ang excitement sa kanyang mga mata. magkahalong takot at kaba.

ITS BEEN 2 YEARS SINCE WE BROKE UP. PATAHMIKIN MO NA AKO. THE BEST THAT I CAN DO RIGHT NOW IS TO TOTALLY REMOVE U FROM MY WHOLE SYSTEM. TIGILAN MO NA RIN ANG KAKATEXT MO DAHIL MASAYA NA AKO SA BUHAY KO. SANA MAKA MOVE ON KA NA RIN. PLS DONT CALL OR TEXT ME ANYMORE, I HOPE U UNDERSTAND. IM SORRY.

para kay macoy hanggang ngayon umaasa pa rin sya. pilit pa ring binabalikan ng alaala nya ang mga panahon ng tampuhan nila, sa pag aakalang magkakabati pa sila.

Advertisements

Leave your awesome comments

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s